P41 – P45 per kilo price cap sa bigas epektibo bukas
Ipapatupad simula bukas, Setyembre 5, ang utos ni Pangulong Marcos Jr., na nagtatakda ng “price cap” sa bigas.
Base sa Executive Order No. 39, na pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr., noong Agosto 31, ang regular milled rice ay maibebenta hanggang P41 kada kilo lamang at ang well milled rice ay hanggang P45 kada kilo.
Inirekomenda ng Department of Agriculture (DA) at ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “price caps” bunga nang pagtaas sa presyo ng bigas.
Inatasan na ni Pangulong Marcos Jr., ang dalawang kagawaran na tutukan ang pagpapatupad ng “price caps” sa mga palengke, supermarket, maging sa mga bodega.
Ito ay para maiwasan ang pagsasamantala, hoarding at iba pang ilegal ang aktibidad.
Noong nakaraang linggo, ang well milled rice ay nagkakahalaga ng P56 kada kilo, P52 sa imported rice, P55 sa regular milled rice at P43 sa imported regular milled rice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.