Bagyong Hanna bumagal

By Chona Yu September 01, 2023 - 05:06 PM

 

Bumagal pero napanatili ang lakas ng Bagyong Hanna.

Base sa 5:00 p.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 710 kilometro silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ang bagyo sa kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang hangin na 120 kilometro kada oras at pagbugso na 150 kilometro kada oras.

Wala namang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal.

Makararanas ng pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw dahil sa Southwest Monsoon na pinalakas ng Bagyong Hanna, Saola na dating Bagyong Goring at Kirogi.

 

TAGS: bagyong hanna, batanes, goring, itbayat, news, Pagasa, Radyo Inquirer, bagyong hanna, batanes, goring, itbayat, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.