Revilla sinuportahan ng civil servants sa pagbaba ng retirement age
Mismong sa grupo ng mga kawani sa gobyerno ang nagpahayag ng suporta kay Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., sa isinusulong nitong pagbaba ng retirement age ng government employees.
Ipinanukala ni Revilla Jr,. na mula sa 65 ay gawing 60 na ang compulsory retirement age at mula 60 ay gawing 56 naman na ang edad ng mga maaring kumuha ng optional retirement.
Bukod pa dito, nais ng senador na magkaroon ng awtomatikong promosyon sa mga kawani kapag sila ay nagretiro.
“Hindi natin maitatanggi ang ginagampanang papel ng mga kawani ng pamahalaan sa ating lipunan. They are the State’s partners in delivering essential services to our countrymen. And with the role they play in bridging our government closer to our kababayans, they may very well be considered as frontliners. Salamat sa kanilang tapat at masigasig na panunungkulan, walang patid ang paghahatid ng serbisyo publiko. Kaya nararapat lamang na patuloy nating isulong ang kanilang kapakanan sa pamamagitan ng pagsasabatas ng mga panukalang ito,” ani Revilla Jr.
Ang grupong COURAGE (Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees) ay nagpahayag na ng suporta sa Senate Bill 1832 na iniakda ni Revilla Jr.
Nagpahayag din ng suporta sa panukala ang Civil Service Commission (CSC).
Nabatid na 18th Congress pa nang simulang isulong ni Revilla Jr., ang panukala at umaasa na maisasabatas ito ngayon 19th Congress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.