LPA sa Eastern Samar, magdudulot ng pag-ulan sa Bicol Region at sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao
Magdudulot ng maulap na panahon na may kasamang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Bicol Region, Eastern at Central Visayas, at Mindanao ang binabantayang low pressure area o LPA ng PAGASA.
Batay sa 5AM weather forecast ng PAGASA, namataan ang LPA sa 465 kilometers east ng Borongan City sa Eastern Samar.
Sinabi rin ng weather bureau na nalusaw na ang isa pang LPA na namataan sa East Philippine Sea, Sabado ng gabi.
Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may kasamang mahinang pag-ambon.
Mararamdaman naman ang katamtaman hanggang sa malakas na hangin sa kanluran ng Palawan at Western Visayas at maging sa timog silangan ng Luzon.
Paalala ng PAGASA, maging handa dahil posibleng mayroon nang pumasok na bagyo sa bansa sa susunod na mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.