Caregiver’s Welfare Act ni Jinggoy lusot sa Senado
Naaprubahan sa Senado ang Caregiver’s Welfare Act sa pinal at ikatlong pagbasa sa Senado.
Walang kumontra sa 21 senador sa panukalang-batas ni Sen. Jinggoy Estrada, na agad din pinasalamatan ang mga kapwa mambabatas sa suporta.
“Para sa mga kababayan natin na pinupunan ang pag-aaruga ng dapat sana ay ginagampanan ng mga miyembro ng pamilya, nararapat lamang na tumbasan natin ang kanilang serbisyo ng mga benepisyo at proteksyon gaya ng iba pang manggagawa sa bansa,”ani Estrada.
Nakasaad sa panukala ang mga alintuntunin para sa employment contract, pagsusumite ng pre-employment requirements, oras ng trabaho, minimum wage, gayundin ang iba pang mga benepisyo.
Binibigyan proteksyon din ang caregiver laban sa ilegal na pagpapaalis at proteksyon sa employment agencies.
Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Labor, nararapat lang na matanggap ng caregiver ang minimum wage sa kanilang rehiyon.
Binibigyan din sa panukala ng mandatory overtime pay at night shift differential.
Kinakailangan din na magroon sila ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at ng Home Development Mutual Fund (HDMF).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.