DTI Food Action Agenda aprub kay Pangulong Marcos Jr.
By Chona Yu August 30, 2023 - 08:03 AM
Aprubado kay Pangulong Marcos Jr. ang 3-Year Food Logistics Action Agenda ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ginawa ito ng Punong Ehekutibo sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng DTI, Department of Agriculture (DA), Department of Public Works and Highways (DPWH, at Department of the Interior and Local Government. Layon ng plano na baguhin ang sistema ng distribusyon ng pagkain, mapababa ang halaga ng transportasyon ng mga ito at matiyak ang epektibong food supply chain. Nais ni Pangulong Marcos Jr., na magkaroon ng mga imprastraktura para mapabilis ang pagdadala ng ani ng mga magsasaka sa isang lugar na mayroon ding mga pasilidad para maiwasan ang pagkasira ng mga produkto. Sa ganitong paraan, masisiguro aniya ang kita ng mga magsasaka na magreresulta rin sa murang mga bilihin. Gayundin, mapangangasiwaan ang demand at supply ng mga produkto sa bawat lugar dahil matutukoy kung saan may sobra o may kulang na partikular na mga produkto. Target ni Pangulong Marcos sa hakbang na ito na gawin ang Pilipinas bilang logistics hub sa Asya.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.