Ilang senador ikinalungkot ang pagpanaw ni Mike Enriquez

By Jan Escosio August 30, 2023 - 07:54 AM

INQUIRER PHOTO

Hindi matatawaran ang naimbag ng yumaong broadcaster / TV anchor Mike Enriquez sa pamamahayag sa bansa.

Ito ang nagkakaisang pahayag ng ilang senador ukol sa pagpanaw ng beteranong radio personality.

“Napakalaki ng legasiyang iiwan ni Manong Mike Enriquez, bilang isa sa pinaka pinagkakatiwalaang mga boses sa mundo ng pagbabalita,” ani  Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Dagdag pa niya: “Mami-miss natin gabi-gabi ang kanyang boses na nagsasabing, ‘walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang.”

“Hindi matatawaran ang mga kontribusyon ni Mike Enriquez sa industriya ng broadcasting at news media sa Pilipinas.  He was a true trailblazer and an innovator who helped shape how Filipinos receive and perceive the daily news,” sabi naman ni Sen. Risa Hontiveros.

Sabi pa niya ang boses ni Enriquez ang maasahan at mapagkakatiwalaan sa pagbabalita.

“Naging katunggali siya ng mga kurap, magnanakaw at mapang-abuso, na kanyang inimbestigahan at hindi tinantanan,” sabi pa ng senadora.

Itinuturing naman ni Sen. Lito Lapid na isa na sa mga haligi ng pamamahayag sa bansa ang host ng “24 Oras” at “Imbestigador.”

Malaking kawalan sa industriya ng pagbabalita at pamamahayag, sabi pa ni Lapid, ang pagpanaw ng 71-anyos na si Enriquez.

 

TAGS: broadcast, journalism, Kapuso, broadcast, journalism, Kapuso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.