P72 bilyong budget sa Supreme Court idiniga ng Duterte Youth

By Chona Yu August 29, 2023 - 03:50 PM

 

Isinusulong ni Duterte Youth Party-List Representative at House Appropriations Committee Member Drixie Mae Cardema na bigyan ng P71.91 bilyong pondo ang Supreme Court at iba pang korte sa bansa sa susunod na taon.

Ayon kay Cardema, ito ay para mabigyan ng hustisya ang pagiging independent at co-equal branch ng hudikatura.

“Bakit mabagal ang sinasabing hustisya sa bansa? Dahil kulang tayo sa mga Judges and Courts sa ating bansa na didinig sa mga kaso ng bayan. Kailangan tulungan ang Korte Suprema sa kanilang mandato na magsaayos ng mas maraming korte sa ating bansa na mag-aasikaso sa tambak-tambak na nagiging kaso sa lahat ng panig ng buong bansa. Puro tayo reklamo na mabagal daw ang hustisya sa bansa, di naman natin binibigay ang kanilang kailangang buong budget pang-operate para makabuo sila ng mga solusyon,” pahayag ni Cardema.

Nabatid na nasa P57.79 bilyon lamang ang inirekomendang pondo ngg sangay ng ehekutibo para sa sangay ng lehislatura.

Sabi ni Cardema, dapat na magkaroon ng fiscal autonomy ang hudikatura.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Cardema na hindi na mahihirapan ang hudikatura na tugunan ang budget concerns.

Kapag kasi aniya may sapat na pondo, tiyak na magagawa ang mga kinakailangan na reporma gaya ng ginagawa ng Malakanyang at Kongreso.

Apela ni Cardema, huwag tapyasan ng halos p14 bilyong pondo ang sangay ng hudikatura.

 

 

TAGS: cardema, Duterte Youth, news, Radyo Inquirer, cardema, Duterte Youth, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.