Pinaigting na raid sa mga bodega ng bigas, ipinag-utos ni Pangulong Marcos
Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na paigtingin pa ang pagsasagawa ng raid sa mga warehouse sa bansa.
Ito ay para mapanagot sa batas ang mga hoarders at illegal smugglers ng imported na bigas.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos sa BOC matapos salakayin ang tatlong warehouses sa Bulacan kung saan nadiskubre ang mahigit P505 milyong halaga ng bigas.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Customs Commissioner Beinvenido Rubio, nagpadala na siya ng mga tauhan sa mga bodega kung saan posibleng may iniipit na imbak ng bigas.
Kapag na-validate anya na walang pinagbayaran ang mga laman ng bogeda ay kukumpiskahin ang mga ito.
Tiniyak rin ng opisyal na makakasuhan ang mapatutunayang sangkot sa smuggling at hoarding dahil katuwang naman nila dito ang Department of Justice.
“As per the directive of the President, ang gagawin po natin is we will validate all warehouses that are storing imported rice and then upon validation we will issue letters of authority to conduct inspection on these warehouses,” pahayag ni Rubio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.