SC sinabing lahat ng kita ng PAGCOR kailangan mabusisi ng COA
Kumambiyo ang Korte Suprema sa desisyon noong 2021 na nagsabing hindi lahat ng pinagmumulan ng pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay maaring mabusisi ng Commission on Audit (COA).
Idineklara ng Korte Supreme na ang audit jurisdiction ng COA sa PAGCOR ay limitado lamang sa limang porsiyentong franchise tax at sa 50 porsiyentong bahagi ng gobyerno sa kita ng state gambling regulator alinsunod sa Presidential Decree 1869.
Base sa inilabas na pahayag ng SC, ipinaliwanag na ang desisyon ay para lamang magbigay kaluwagan sa operasyon ng PAGCOR.
Nabatid na ang pagbabago ng posisyon ng SC ay napagdesisyonan noon pang nakaraang Pebrero 14, ngunit naisapubliko noon lamang Agosto 22.
“The Court ruled that Section 15 of PD 1869 has been impliedly repealed by the 1987 Constitution, specifically by Article IX-D, Sections 2 and 3. Section 2 states that the COA shall have the ‘power xxx to examine, audit, and settle all accounts pertaining to the revenue and receipts of, and expenditures or uses of funds and property, owned or held in trust by, or pertaining to the Government, xxx including government-owned or controlled corporations [GOCC] with original charters,” ang nakasaad sa desisyon, na isinulat ni Justice Ramon Paul Hernando.
Nabanggit din na walang batas ang ipapasa na na magbibigay exemption sa gobyerno o sa kahit anong ahensiya sa hurisdiksyon ng COA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.