Pangulong Marcos Jr., suportado ang pagsusulong ng pederalismo – SoCot Gov. Tamayo

By Jan Escosio August 24, 2023 - 08:44 PM

Sinabi ni South Cotabato Governor Reynaldo “Jun” Tamayo Jr., na suportado ni Pangulong Marcos Jr., ang isinusulong nilang pederalismo.

Ibinahagi ito no Tamayo matapos ang paglipat ng 19 governors sa pinamumunuan niyang Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Aniya si Pangulong Marcos Jr., na ang nagsabi na maaring ang sistemang pederal ng gobyerno ang maaring solusyon sa mga problema ng Pilipinas.

Pag-amin na lamang din ni Tamayo na maaring matupad ang kanilang pangarap pagkatapos na ng termino ni Pangulong Marcos Jr.

Sinabi na lamang din nito na my “timeline” na sila ng kanilang mga gagawing hakbang para sa katuparan ng kanilang pangarap.

“Hindi natin kailangan madaliin dahil kung madaliin natin ito natitiyak ko  baka mahirapan tayong manalo. Pero sa prosesong ginagawa namin, sinisiguro namin at nasisiguro namin na pagdating ng panahon makakamtam natin at mayroon talagang taong magsasakripisyo masiguro lang na magkakaroon ng federal form of government ang bansang Pilipinas,” sabi pa ni Tamayo.

Aminado ang opisyal na ang pinakamabigat nilang kahaharapin ay ang pagsasagawa ng People’s Initiative dahil nangangailangan nito na sa bawat distrito sa bansa ay dalawang porsiyento ng kabuuang bilang ng mga rehistradong botante ay susuporta hanggang sa plebisito kung saan dapat ay 50 porsiyento ng mga botante ang papabor.

Inulit din ni Tamayo na hindi sila nagmamadali at ang kanilang target para sa kanilang pangarap na pagbabago sa sistema ng gobyerno ay sa taong 2034.

 

 

TAGS: federalism, governors, People’s Initiative, plebisito, federalism, governors, People’s Initiative, plebisito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.