Lalo pang lumakas ang bagyo na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Base sa 5:00 p.m. advisory ng PAGASA, naging Tropical Storm na ang Tropical Depression Goring habang tinatahak ang hilagang-kanluran ng Philippine East of Basco, Batanes.
Namataan ang sentro ng bagyo sa 265 kilometro silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ang bagyo sa hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 75 kilometro kada oras malapit saa sentro at pagbugso na 90 kilometro kada oras.
Wala pa namang itinataas na Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.