P13.28 milyon ipinamahagi ng NHA sa mga nasunugan sa Navotas
Aabot sa P13.28 milyong ayuda ang ipinamahagi ng National Housing Authority (NHA) sa 1,328 residente na nasunugan sa Navotas.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, tig P10,000 ang natanggap na ayuda ng bawat pamilya.
Galinganiya ang pondo sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng NHA.
Ayon kay Tai mga residente ng Barangays North Bay Boulevard North, Bagong Bayan North, Tangos North, Tangos South, Navotas West, San Roque, Sipac Almacen, Bangkulasi, at Daanghari ang nabigyan ng ayuda.
Mga biktima ng iba’t-ibang sunog mula noong Oktubre 2019 hanggang Mayo 2023 ang mga nabigyan ng ayuda.
Layunin ng NHA EHAP na magpaabot ng pinansyal na tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng mga kalamidad tulad ng sunog, pagbaha, lindol, bagyo at iba pa.
Hangarin ng programa na matulungan ang mga benepisyaryo na muling makabangon mula sa trahedya at maibsan ang gastusin nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.