Pangulong Marcos dumalaw sa burol ni DMW Secretary Susan Ople
Dumalaw si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa burol ni Migrant Workers Secretary Susan Ople kagabi sa Chapel 1, Heritage Memorial Chapel, Taguig.
Kasama ni Pangulong Marcos si First Lady Liza Marcos.
Pasado 7:00 kagabi nang dumating ang Pangulo.
Tumagal ang Pangulo ng 30 minuto.
Dumalaw rin sa burol sina House Speaker Martin Romualdez, dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representatibe Gloria Macapagal Arroyo, Executive Secretary Lucas Bersamin, Tourism Secretary Christina Farsco, ang mag-asawang dating Senador Manny Villar at Senador Cynthia Villar.
Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na malaking kawalan ng bansa si Ople.
Pumanaw si Ople sa edad na 61.
Una nang nakipaglaban si Ople sa sakit na cancer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.