Iminungkahi ng ilang senador ang pagbabago sa neuro-psychiatric exam ng mga pulis.
Sa pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na pinamumunuan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, inusisa ni Sen. Raffy Tulfo ang “screening process” sa mga pulis, partikular na ang pagsasailalim at resulta ng kanilang “neuro-psychiatric exam.”
“Pareho pa rin hanggang ngayon ang kalakaran, ang pangabuso ng mga pulis, lalo na itong mga mabababang ranggo. Kaga-graduate lang, wala pang isang linggo, namaril, nambugbog…nagpaplant ng mga ebidensya. There is really something very, very wrong with the screening process ng ating PNP, lalo na sa neuropsychiatric exam. Siguro kailangan baguhin na yung format ng neuro exam,” ani Tulfo.
Sinegundahan ni dela Rosa ang obserbasyon at kahilingan ni Tulfo.
“Non-negotiable talaga yang neuro. Kasi ilang beses na tayo nagkaproblema ng pulis na may katok talaga, na namamaril ng walang rason,” he said.
Ikinatuwiran naman ni PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Rhodel Sermonia na regular na sumasailalim sa neuro-psychiatric exam, lalo na kung para sa kanilang promosyon.
Isinagawa ang pagdinig kaugnay sa pagkakapatay ng anim na pulis-Navotas na si Jemboy Baltazar dahil sa “mistaken identity.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.