OFW Ward sa DOH regional hospitals hiniling ni Go
Nais ni Senator Christopher “Bong” Go na magtalaga ng OFW Ward sa lahat ng regional hospitals ng Department of Health (DOH).
Inihain ni Go ang Senate Bill No. 2414 para sa naturang mungkahi.
Pagbabahagi ng namumuno sa Senate Committee on Health na inatasan na ni Pangulong Marcos Jr., ang Department of Migrant Workers (DMW) na makipag-koordinasyon sa DOH para sa panukala.
Diin nito, kailangan na bigyan ng ibayong pagpapahalaga ang OFWs dahil sa malaki ang kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.
Kasabay nito, pinuna din ni Go ang kondisyon ng OFW Hospital sa San Fernando City sa Pampanga matapos itong bisitahin ni Sen. Raffy Tulfo at mapansin ang kondisyon ng pagamutan.
Ayon kay Go nakakalungkot at hindi lubos na napapakinabangan ang naturang pagamutan kayat inihain niya ang Senate Bill 2297, na ang layon ay mapagtibay ang operasyon nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.