Sen. Grace Poe: P3-B fuel subsidy budget gamitin na kontra taas-presyo ng langis

By Jan Escosio August 22, 2023 - 08:00 AM
Sinabi ni Senator Grace Poe na ngayon taon ay may nailaan na P3 bilyon para sa fuel subsidy sa sektor ng pampublikong transportasyon.   Maaring gamitin ito sa pagbibigay ayuda sa mga drayber at operator ng mga pampublikong sasakyan upang maibsan ang epekto sa kanila ng tumataas na presyo ng mga produktong-petrolyo.   Ayon kay Poe, maaring hindi na kayanin pa ng mga mananakay kung magdadagdag pa ng pasahe dahil katataas lamang ng minimum fare.   Hinikayat niya ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na humanap ng mga alternatibo para matulungan kapwa ang nasa sektor ng pampublikong transportasyon, maging ang mga pasahero, kahit pansamantala lamang.   Muli din niyang inulit ang panawagan sa gobyerno, partikular na sa Department of Finance, na suspindihin pansamantala ang paniningil ng fuel excise tax hanggang sa maging stable na ang presyo ng mga produktong petrolyo.   Kung kakailanganin ay ihahain niya muli ang resolusyon ukol sa pagsuspindi sa fuel excise tax.   “Dapat pangunahing sandalan ng mga tsuper ang gobyerno tuwing may pagtaas sa presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado,” ani Poe.

TAGS: fuel subsidy, grace poe, news, Radyo Inquirer, fuel subsidy, grace poe, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.