Makati-Taguig territorial case hindi isang ejectment case, writ of execution hindi kailangan

By Chona Yu August 22, 2023 - 07:55 AM
Kinatigan ni dating Press Secretary Trixie Cruz Angeles ang posisyon ng Taguig City na hindi kailangan ng writ of execution para iimplementa ang takeover ng Taguig sa EMBO barangays sa basehang hindi ejectment case ang kaso at malinaw ang desisyon ng Korte Suprema na turnover ang dapat na gawin ni Makati City Mayor Abby Binay. Hinimay ni Angeles ang usapin ng turf war sa pagitan ng dalawang lungsod, ipinaliwanag ni Angeles na isang abogado na kung titignan ang 53 pahinang desisyon ng SC sa nasabing kaso ay walang basehan ang argumento ni Binay na magkaroon muna ng transition period, aniya, “stop exercising jurisdiction” ang malinaw na utos ng hukuman kaya turnover ng hurisdiksyon ang dapat na gawin ng alkalde. Tinuring din ni Angeles na walang legal basis ang nakuhang opinyon ng Makati City mula sa Office of Court Administrator(OCA) na nagsasabing kailangan muna ng writ of execution. “Opinyon lang ang inilabas ng OCA, ang pinanghahawakan ng Taguig ay malinaw na desisyon ng Supreme Court”pahayag ni Angeles. Aniya, ang writ of execution ay sa ejectment case, halimbawa, mayroong umuupa sa iyong property na gusto mo paalisin, kahit mayroon nang desisyon at nanalo sa hukuman kailangan pa rin ng writ of execution para mapaalis mo yung nakatira sa iyong property, giit ni Angeles, hindi ejectment case ang Taguig-Makati row. Ipinaliwanag ni Angeles na “stop exercising jurisdiction” agad ang desisyon ng Supreme Court sa territorial dispute dahil sa umpisa pa lamang ng kaso ay mayroon nang ipinalabas na Temporary Restraining Order(TRO) ang Pasig City Regional Trial Court. Sa July 8, 2011 decision ni RTC Pasig City Branch 153 President Judge Briccio Ygaña pinaboran nito ang Taguig sa inihaing Civil Case No. 63896  na Judicial Confirmation of the Territory and Boundary Limits of Taguig, iniutos ng Regional Trial Court na ang Fort Bonifacio Military Reservation kabilang ang Parcels 3 at 4, Psu-2031 ay kumpirmadong bahagi ng territory ng Taguig. Nakapaloob sa desisyon na permante ang ipinalabas na Writ of Preliminary Injunction na ipinalabas noong 1994 at nakasaad dito na “Enjoining defendant Municipality, now City of Makati, from exercising jurisdiction over, making improvements on, or otherwise treating as part of its territory, Parcels 3 and 4, Psu-2031 comprising Fort Bonifacio”. Ayon kay Angeles noong 1994 pa ay dapat hindi na nagexercise ng jurisdiction ang Makati sa Embo Barangays dahil mayroon nang TRO sa umpisa pa lamang ng litigation ng kaso, kaya sa naging desisyon ng SC noong 2022 ay ang kautusan nito ay turnover ng jurisdiction matapos manalo na ang Taguig. “dahil nga may TRO ang utos ng korte sa Makati ay huwag nyong pakialamanan ang area habang may litigation. Sa umpisa pa lang ay nasa default na ang Taguig dahil kung tutuusin ay mayroon silang jurisdiction din sa EMBO barangay umpisa pa lang. May upperhand ang Taguig dahil una panalo sila sa kaso, pangalawa ang simple ng SC ruling, everything has to be turnover to Taguig” ani Angeles. Ani Angeles kung may kuwestiyon ang Makati ukol naman sa mga gusali na kanilang pagmamay ari gaya ng school buildings, hospital at iba ay maaari itong dumulog sa SC sa pamamagitan ng isang clarificatory petition subalit pagdating sa kung sino ang nagmamay ari ng teritoryo ay malinaw na ito ay saTaguig. “sa mga property maaari siguro  na may compensation subalit ang Makati ang syang dapat na makipag-ugnayan sa Taguig para sa arrangement. Gaya ng Ospital ng Makati at University of Makati, maaaring ang Makati ang syang magbabayad ng upa dahil nakatirik ang gusali sa lupa na pagmamay ari ng Taguig” ani Angeles. Nang hingan ng reaksyon si Angeles na pride na lang sa panig ng ni Mayor Binay kaya nagkakaroon ng delay sa turnover, sinabi nito mas mainam na iturnover na ni Mayor Binay ang EMBO Barangays habang magkaroon ng arrangement kay Mayor Lani Cayetano para sa mga ari arian. “I dont want ant to say anything about Mayor Abby pero para sa akin it works in their favor if they turnover the barangays and see what other remedies they have for that area” pagtatapos pa ni Angeles.

TAGS: Makati, news, Radyo Inquirer, taguig, Makati, news, Radyo Inquirer, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.