Senators inalmahan ang P10-B Health 2024 budget cut
By Jan Escosio August 22, 2023 - 07:26 AM
Nangako ang ilang senador na bubusisiin ng husto ang hinihinging pondo ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon matapos angg pagtapyas ng P10 bilyon.
Sinabi na rin ng mga senador na sesentro ang pagbusisi sa paggamit ng kagawaran ng kanilang pondo.
Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino ” Koko” Pimentel III hindi dapat tapyasan ang pondo para sa “social services.”
Kailangan lang din aniya masiguro na walang nasasayang sa mga binibiling vaccines, vitamins, gamot at iba pang supllies. Ito rin ang sinabi ni Sen. Grace Poe dahil aniya ang pagbawas sa pondo ng DOH ay maaring makaapekto sa kalusugan ng mamamayan. Sinabi naman ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, dapat ay nanatiling prayoridad sa pambansang pondo ang kalusugan. Pagbabahagi pa niya, na sa ngayon ay nakukulangan pa siya sa pondo na inilaan sa mga pampublikong ospital. Si Sen. Ronald “Bato” sinabi na aalamin niya sa deliberasyon ng pondo ng DOH ang dahilan sa “budget cut.” Para naman kay Sen. Francis Tolentino ngangailangan pa ang apat na specialty hospitals ng karagdagang pondo at ang ginagamot sa mga ito ay nakakaapekto sa malaking bahagi ng populasyon ng bansa. Si Deputy Majority Leader JV Ejercito sinabi na maaring maisakripisyo ang ibang pinaglalaanan ng pondo ngunit hindi sa mga programang pangkalusugan, lalo na sa pagpapatupad ng Universal Healthcare Law.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.