Brodkaster nakatanggap ng death threat

By Chona Yu August 21, 2023 - 04:07 PM
Nagpasaklolo na ang Presidential Task Force on Media Security sa Manila Police District para paimbestigahan ang banta sa buhay ng brodkaster na si David Oro. Humingi ng tulong si Oro sa task force matapos muling makatanggap ng bala mula sa hindi kilalang tao. Napag-alamang, ito na ang pangalawang beses na nakatanggap ng bala ang brodkaster subali’t hindi sineryoso ang naunang insidente. Ayon kay PTFoMS Executive Director Paul Gutierrez, bagama’t maaga pa para mag-especulate sa motibo, hindi anya nila binabalewala ang ganitong mga insidente. Hiniling rin ni Gutierrez kay MPD District Director P/BGen. Andre Dizon na magkaroon ng assessment sa pagbabanta kay Oro at bigyan ito ng seguridad kung kinakailangan.

TAGS: death threat, news, ptfoms, Radyo Inquirer, death threat, news, ptfoms, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.