2.5 milyong trabaho target na likhain ng gobyerno at pribadong sektor

By Chona Yu August 18, 2023 - 12:51 PM

 

Nasa 2.5 milyong trabaho ang target na likhain ng pamahalaan sa tulong ng pribadong sektor pagsapit ng taong 2028.

Sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Private Sector Advisory Council, tinalakay nito ang target na maging global player ang Pilipinas.

Makakamit aniya ito sa pamamagitan ng retraining, rescaling at retooling sa mga manggagawa.

Base sa roadmap na isinumite ng PSAC kay Pangulong Marcos, inilatag nito na maging global leader sa digital domain ang Pilipinas.

Nasa P4 bilyon ang inilaang pondo ng Presidential Assistant on Investment and Economic Affairs at Priavte Sector Jobs and Skills Cooperation para sa scholarship funds para sa training at upskilling ng mga manggagawa.

Target nito na mabigyan ng pagsasanay ang 500,000 katao kada taon.

Base sa pagtaya ng PSAC, posibleng makapagtala ng P169 bilyong taunang personal income tax ang mga trabahong ito at makapagbigay ng 8.9% na paglago sa gross domestic product ng bansa.

Ayon kay PSAC lead convenor at Aboitiz Group President at CEO Sabin Aboitiz, ang mithiing ito ay pagpapatunay ng commitment sa pagpapalago ng potential ng mga manggagawang Filipino at maisulong ang mga makabagong teknolohiya para sa progreso ng bansa.

TAGS: BUsiness, job, news, Radyo Inquirer, trabaho, BUsiness, job, news, Radyo Inquirer, trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.