Pondo ng Maharlika Investment Fund hinanap ni Koko sa 2024 budget

By Jan Escosio August 18, 2023 - 08:06 AM

 

Inusisa ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang kawalan ng alokasyon para sa Maharlika Investment Fund (MIF) sa 2024 proposed national budget.

Sa budget briefing  sa Senado ng Development Budget Briefing Committee (DBCC), pinuna ni Pimentel na wala sa dibidendo ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ilalaan para sa sovereign fund ng bansa.

Ipinaliwanag naman ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na sadyang wala sa 2024 National Expenditure Program (NEP) ang alokasyon para sa MIF dahil ito ay awtomatikong nailalaan at ilalagay sa ibang libro sa ilalim ng Budget of Expenditures and Sources of Financing (BESF).

Ito ay labis na ipinagtaka ni Pimentel sa katuwiran na nang pondohan ang kapitalisasyon ng BSP ay isinama ito sa pambansang pondo ngunit kakaiba ang nangyari sa MIF.

Kayat naitanong niya kung ordinary o extra special GOCC ang Maharlika Investment Corp., upang hindi mailagay ang pondo nito sa NEP.

Pinag-ingat na rin ni Pimentel ang economic managers ukol sa kanilang mga bagong argumento sa MIF sa pagsasabing maaring magamit ito na mga kukuwestiyon sa pondo sa Korte Suprema.

TAGS: Budget, Koko Pimentel, Maharlika, missing, news, Radyo Inquirer, Budget, Koko Pimentel, Maharlika, missing, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.