Emosyonal na nagbigay ng salaysay ng kanyang karanasan si Marites Flor, ang Pinay na binihag at pinalaya ng Abu Sayyaf Group.
Ayon kay Flor, ang pagtrato sa kanila ay parang aso at bata na kapag nagkakamali ay sinasaktan.
Dagdag pa ni Flor, siya ay sinasampal habang ang kanyang mga kasama ay binubugbog.
Sa kabila ng dinanas, nagpapasalamat si Flor na nakalaya siya ng ligtas.
“Binubugbog at pinoposas kami, gusto ko magpasalamat sa mga tumulong, nakalaya ako ng buhay,” ayon kay Flor.
Sinabi ni incoming peace adviser Jesus Dureza na pinalaya si Flor noong Huwebes ng gabi at nai-turn over kay Sulu Governor Abdusakur Tan II madaling araw ng Biyernes.
Pinahayag din ni Dureza na mismong si Governor Tan ang mismong nakipag-usap sa mga Abu Sayyaf.
Kagagaling lang ni Dureza mula sa Oslo, Norway ng siya ay masabihan na handa ng mai-turn over umaga ng Biyernes si Flor na kanyang sinalubong ng personal sa Jolo.
Matatandaan na ang kanyang naging pagbisita sa Oslo ay nakapag-usap sa telepono si Norwegian Foreign Minister at President-elect Rodrigo Duterte hinggil sa Norweigian hostage ng Abu Sayyaf Group.
Nang matanong si Dureza kung may ransom na involve sa paglaya ni Flor ay kanyang sinabi na walang preconditions ang nasabing pagpapalya.
Ayon kay Dureza sinabi ni Tan na ang pagpapalaya kay Flor ito ay isang “gesture of goodwill” ng Abu Sayyaf.
Kasalukuyang pauwi na si Flor sa kanyang hometown sa Valencia, Bukidnon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.