14 ‘EMBO” public schools pangangasiwaan muna ni VP Sara

By Jan Escosio August 17, 2023 - 09:31 AM

INQUIRER PHOTO

Pansamantalang pangangasiwaan muna ng  Department of Education (DepEd) ang 14 public schools sa “EMBO” barangays na nalipat sa Taguig City mula sa Makati City.

Base sa inilabas na department order, ang Office of the Secretary ang direktang mangangasiwa sa pamunuan at administrasyon ng mga paaralan habang inaayos pa ang transition plan.

Nangangahulugan na si Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng DepEd ang mangangasiwa sa mga paaralan.

Nabatid na nabuo na ang transition committee at ito ay kinabibilangan ng DepEd regional director, ang DepEd school division superintendets at legal officers ng dalawang lungsod.

Nakasaad din sa kautusan na ang lahat ng mga aktibidad sa 14 eskuwelahan ay kailangan dumaan sa tanggapan ni Duterte, gayundin direktang mag-uular ang mga school principals sa Office of the Secretary kaugany sa operasyon ng mga paaralan.

TAGS: deped, Makati, taguig, deped, Makati, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.