Duterte to Chiefs of Police: Patayin ang mga mayor na protektor ng droga kung manlaban

By Dona Dominguez-Cargullo June 24, 2016 - 05:21 PM

“Patayin aduterte chrng mga mayor na sangkot sa illegal drugs kung sila ay papalag”.

Ito ang bilin ni President-elect Rodrigo Duterte sa mga chiefs of police na maitatalaga sa mga munisipalidad at lungsod.

Sa kaniyang talumpati sa turn-over ceremony sa Davao City PNP, sinabi ni Duterte na maraming alkalde nahalal sa 2016 elections gamit ang drug money.

Nasa 30 hanggang 32 alkalde aniya na manunungkulan matapos magwagi sa 2016 elections ang sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Dahil dito, sinabi ni Duterte na hihilingin niya sa National Police Commmission (NAPOLCOM) na hayaang ang national government ang pumili ng mga hepe ng pulisya na itatalaga sa mga munisipalidad at lungsod.

“May mga Mayor dito sa Pilipinas na re-elected because of drug money. Mayor, I will not assign to you a police of your choice, the national government will be the to place a chief of police. Ang laro ngayon, maraming Mayor about 30 to 32, they won because of drug money. Lagyan ko ng chief of police iyan, at ang utos ko sa chief of police, If that idiot mayor resist arrest, and chooses to fight you, kill him!” ayon kay Duterte.

Binilinan din ni Duterte ang mga tauhan ng PNP na huwag na huwag magtatangkang pumasok sa ilegal na gawain.

Ayon kay Duterte, kaya nga ang pangako niya sa mga pulis at militar ay dodoblehin niya ang kanilang sweldo para hindi na sila pumasok pa sa ilegal.

Maliban sa dagdag na sweldo, sinabi ni Duterte na gagawin din niya ang lahat para matulungan ang mga pulis sa kanilang personal na pangangailangan gaya ng pagpapagamot, gastos sa panganganak ng kanilang misis, o kung sila ay namatayan.

Pero biro ni Duterte, iba na ang usapan kung ang nanganak ay ang pangalawang asawa ng pulis.

“Yung mga operasyon, panganganak, namatayan kayo, you go direct to your district chief and your district chief will go to me, at ako na (ang magbibigay), kung may maipadala ako magpadala ako. Ngayon kung may nabuntis ka tapos nanganak pero pangalawang asawa mo ay yawa, pareho na tayo ng gawa,” pagbibiro ni Duterte.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.