Produksyon ng bigas sa bansa nadagdagan – DA official
By Chona Yu August 16, 2023 - 10:48 AM
Lumago ng tatlong porsyento ang produksyon ng bigas sa bansa, ayon kay Pangulong Marcos Jr
Ipinarating ito kay Pangulong Marcos nang makipagpulong siya sa Economic Development Group.
Sa pulong sinabi kung saan sinabi ni Agriculture Senior Usec. Domingo Panganiban na base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa siyam na milyong metrikong tonelada ang produksyon ng bigas mula noong Enero hanggang Hunyo.
Mas mataas ito kumpara sa 8.7 milyong metrikong tonelada sa kaparehong buwan noong 2021.
Nang marinig, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na napakagandang balita nito.
Dagdag pa niya, malaking tulong ito para matiyak na sapat ang suplay ng bigas sa bansa sa ngayon sa kabila ng pagtama ng mga kalamidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.