Tax hike sa 2024 tuloy – Finance Chief Diokno

By Jan Escosio August 15, 2023 - 04:10 PM

 

Hindi pa nagbabago ang plano na pagtataas ng buwis sa susunod na taon.

Ito ang ibinahagi ni Finance Sec. Benjamin Diokno sa 2024 national budget briefing ng Development Budget Coordination Commitee sa Senado.

Ayon kay Diokno patuloy silang makikipagtulungan sa Kongreso para sa kinakakailangan paniningil ng karagdagang buwis para na rin sa mabilis na paglago ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mga kinakailangang reporma.

Sabi pa ng kalihim, kabilang dito ang pagpapasa ng mga natitirang tax reform packages ng nakaraang administrasyon at mga bagong tax measures sa ilalim ng kasalukuyang Marcos administration.

Ang mga itutulak na dagdag na buwis ay ang mga sumusunod ; – Package 4 o ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation

– Excise tax sa single-use plastic

– Rationalization of mining fiscal regime

– Motor vehicle road users tax

– Excise tax para sa matatamis na inumin at junkfoods

– Buwis sa pre-mixed alcohol

– VAT sa digital service providers

Target na maaprubahan ngayong 19th Congress ang pitong panukala para sa mga nabanggit na dagdag na buwis bilang suporta sa medium-term fiscal framework.

Pagbabahagi din ni  Diokno na kapag naipatupad ang mga tax measures na ito ay makakalikom ang gobyerno ng P120.5 billion na dagdag sa kita para sa taong 2024.

Pag nagtuluy-tuloy ay tataas pa aniya ang makokolektang buwis dito sa P152.2 billion sa 2025 at P183.2 billion sa 2026.

TAGS: benjamin diokno, news, Radyo Inquirer, tax, benjamin diokno, news, Radyo Inquirer, tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.