July 2023, pinakamainit na buwan sa nakalipas na 140 taon

By Jan Escosio August 15, 2023 - 04:03 PM
Simula noong 1880, ang nakalipas na buwan ng Hulyo ang maituturing na naging pinakamainit na buwan para sa buong mundo.   Base ito sa isinagawang pag-aaral ng Goddard Institute for Space Studies ng US National Aeronautics and Space Administration (NASA).

“July 2023 was 0.43 degrees Fahrenheit (0.24 degrees Celsius) warmer than any other July in NASA’s record, and it was 2.1 degrees Fahrenheit (1.18 degrees Celsius) warmer than the average July between 1951 and 1980,” ayon sa pag-aaral.

Lumabas din sa bilyon-bilyong katao sa buong mundo ang literal na nakaramdam ng napakataas na temperatura.

Sinabi ni NASA Administrator Bill Nelson na ngayon ramdam ng mga mamamayan ng US ang climate crisis. 

Bukod sa North America, naramdaman din ang mainit na temperatura sa South America, North Africa at Antartic Peninsula.

TAGS: heat index, news, Radyo Inquirer, Tag-init, heat index, news, Radyo Inquirer, Tag-init

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.