China hinahanapan ng ebidensiya sa hugot na pangako ng Pilipinas
Hinamon ang China na maglabas ng ebidensya na may binitawang pangako ang Pilipinas na aalisin na ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Security Council spokesman Jonathan Malaya na nakipag-ugnayan na ang kanilang hanay sa mga nakalipas na administrasyon para kumpirmahin kung may ganitong pangako ang Pilipinas sa China.
Ipinagtataka ni Malaya kung saan galing ang mga pahayag ng China.
Giit pa nito, kung pagbabasehan ang video malinaw na hindi propesyunal ang ginawang pambobomba ng tubig ng Chinese Cuast Guard sa sa barko ng Pilipinas.
Dagdag pa nito, hindi bibitiwan ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre na na nakaposisyon sa Ayungin Shoal.
Tuloy din aniya ang resupply mission ng Philippine Coast Guard sa naturang barko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.