Sapat na suplay ng bigas tiniyak ni Pangulong Marcos Jr.

By Chona Yu August 09, 2023 - 10:09 AM

PCO PHOTO

Pagtitiyak  ni Pangulong  Marcos Jr. kahit pa matapos ang  El Nino phenomenon  sa susunod na taon sasapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ang pakikipagpulong sa industry players sa pangunguna ng Private Sector Advisory Council at  Philippine Rice Stakeholders Movement (PRISM) sa Malakanyang. “The rice situation is manageable and stable. There is enough rice for the Philippines up to and after the El Niño next year,” pahayag ni Pangulong Marcos. Ayon manageable ang rice situation sa bansa  at stable sa gitna na rin ng mga ulat na nagtaasan ang presyo ng bigas sa mga pamilihan. Sa nabanggit na pulong, inilatag ng grupo ang kanilang rice supply outlook sa bansa hanggang sa katapusan ng 2023. Isiniwalat naman ni Department of Agriculture Usec. Merceditas Sombillo na ang projected ending stock ngayong taon ay nasa 1.96 million metric tons (MMT) na sapat sa loob ng 52 araw. Dagdag ng opisyal, kung pagbabasehan ang stock projection data ng Philippine Statistics Authority, nasa 2.12 milyong metrikong tonelada ang stock ng bigas na tatagal ng 57 na araw. Matatandaang nagpatawag ng meeting ang Presidente para alamin sa mga stakeholders ang kalagayan ng rice industry at matiyak na rin na sapat ang suplay ng bigas sa bansa. Magsisimula ang oag-aani ng mga magsasaka ng palay sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre. Sinabi naman ni  Rowena del Rosario-Sadicon,  lead convenor ng Prism na walang dapat na I pag-alala ang publiko. “We don’t need to panic for anything else. Kalma lang po tayo. It’s very important that we are one in our objective to be positive on this. Mayroon po tayong sapat na bigas,” pahayag ni del Rosario-Sadicon.

TAGS: DA, rice supply, stock, DA, rice supply, stock

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.