Presyo ng school supplies, tumaas

By Chona Yu August 08, 2023 - 04:19 PM

 

Ngayong balik eskwela na ang mga estudyante, tumaas na ang presyo ng school supplies.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo na kabilang sa mga nagtaas ng presyo ang notebook, pad paper, krayola, erase, sharpener, ruler at iba pa.

Sabi ni Castelo, kung mayroon mang mga school supplies na hindi tumaas ang presyo, posibleng lumang stocks ang mga ito.

Ayon kay Castelo,  nasa average na P7.50 ang itinaas sa presyo ng school supplies habang ang pinaka mataas ay nasa P9.25.

Pinapayuhan ni Castelo ang mga mamimili na sa mga established na tindahan na lamang bumili ng mga gamit ng mga estudyante.

Paliwanag ni Castelo, sumusunod kasi sa suggested retail price ang mga malalaking tindahan.

 

TAGS: dti, news, Radyo Inquirer, school supplies, taas presyo, dti, news, Radyo Inquirer, school supplies, taas presyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.