Water cannon incident hindi pa mitsa para gamitin ang MDT – DFA

By Jan Escosio August 08, 2023 - 08:08 AM

 

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi maaring igiit ang Philippine – United States (US) Mutual Defense Treaty (MDT) sa panibagong panggigipit ng China sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Foreign Affairs spokesperson Ma. Teresita Daza na pinag-uusapan pa rin ang ilang termino sa naturang kasunduan.

Kamakailan, gumamit muli ang Chinese Coast Guard ng water cannon laban sa isang Philippine Coast Guard (PCG) vessel, na nagsisilbing escort ng isang civilian supply ship, bukod pa sa isinagawang “dangerous manuevers.”

Binatikos ito ng US State Department at sinabi na ang naging aksyon ng China ay pagbabanta sa “peace and stability” sa rehiyon.

Muli din binanggit ng gobyerno ng Amerika ang suporta sa Pilipinas at ipinaalala ang 1951 MDT.

TAGS: bully, China, news, Radyo Inquirer, West Philippine Sea, bully, China, news, Radyo Inquirer, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.