Pagkampi ng US sa Pilipinas sa isyu sa WPS ginaratiyahan kay Zubiri
Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tiniyak sa kanya ni US Ambassador MaryKay Carlson na nasa likod ng Pilipinas ang Amerika sa pakikipaglaban ng bansa sa West Philippine Sea.
Nagkausap ang dalawa sa Senado kanina nang samahan ni Carlson sa pakikiharap kay Zubiri si US Sen. Tammy Duckworth.
Ayon pa kay Zubiri naniniwala si Carlson sa paninindigan ng Pilipinas sa pagpapatupad ng Freedom of Navigation at UNCLOS sa pagprotekta sa sobereniya at teritoryo ng bansa sa WPS.
“She relayed that the US is squarely behind their oldest ally when it comes to protecting our sovereignty in the WPS,” ani Zubiri patukoy kay Carlson.
Samantala, sa pag-uusap naman nila ni Duckworth, ayon kay Zubiri, natalakay nila ang pagtutulungan ng Pilipinas at US sa usapin ng defense, renewable energy, environment at kalakalan.
Kasama naman na humarap ni Zubiri sa US officials sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda at Sen. Francis Tolentino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.