Barilan sa Taguig City Police Station nag-ugat sa ulam na baboy
Tatlong pulis ang malubhang nasugatan sa insidente ng badrilan sa loob ng kanilang opisina sa Taguig City kaninang tanghali.
Kinilala ang mga sangkot na pulis na sina Executive Master Sgt. Heriberto Saquiped, Chief Master Sgt. Alraquib Aguel at Cpl. Alison Sindac.
Nangyari ang insidente alas-11:30 sa loob ng Office of Community Affairs Section ng Taguig City Police Station.
Base sa paunang impormasyon, dumating si Aguel sa opisina at diumano nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ni Saquiped dahil sa sinigang na baboy ang ulam nila sa tanghalian.
Nabatid na Muslim si Aguel kayat hindi ito kumakain ng baboy.
Inawat naman sila ni Sindac at kasunod na nito ang sinasabing barilan na kinasasangkutan ng tatlo, na pawang isinugod sa Medical Center Taguig.
May ulat na binaril ni Aguel sina Saquiped at Sindac at siya naman ay nabaril ng isang Cpl. Jestoni Cenaron.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.