US may bagong babala sa China kaugnay ng territorial dispute

By Kathleen Betina Aenlle June 24, 2016 - 04:38 AM

 

Inquirer file photo/AP

Direkta nang binalaan ng United States ang China na huwag gumawa ng mga “additional provocative actions” oras na lumabas na ang desisyon ng arbitral court kaugnay sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay deputy assistant secretary of state for East Asia Colin Willet, nakakapagduda ang mga sinasabi ng China na maraming kumakampi sa kanilang posisyon laban sa kasong inihain ng Pilipinas kontra sa kanila.

Kaugnay nito, sinabi ni Willet na maninindigan sila sa mga defense commitments ng Estados Unidos sa ibang bansa tulad na lang ng Pilipinas.

Babala pa ni Willet, maraming maaring pagpilian ang US sa kung paano sila tutugon sa anumang magiging hakbang ng China sa rehiyong ito na mahalaga rin para sa kanila.

Ayon pa sa kaniya, dahil inaasahang malapit nang ilabas ang desisyon, tinatawagan na nila ng pansin ang kanilang mga ka-alyado para matiyak ang pagkakaisa nila sa kanilang posisyon.

Kamakailan lang, sinabi ni US Navy chief Admiral John Richardson na dahil sa ginagawang land reclamation at militarisasyon ng China sa South China Sea, hindi na madaanan ang lugar na laging dinadaanan ng mga barkong pangkalakalan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.