P33.37 milyong halaga ng cash-for-work program, naipamahagi ng DSWD sa Northern Mindanao

By Chona Yu August 05, 2023 - 08:03 AM

 

Nasa P33.57 milyong halaga ng cash-for-work program na ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pagbaha at intertropical convergence zone (ITCZ) sa Northern Mindanao.

Ayon kay DSWD spokesman Assistant Secretary Rommel Lopez, nasa 5,922 na magsasaka ang nabigyan kahapon, Agosto 4 ng tig P5,670.

Katumbas ito ng 14 araw na trabaho na may sweldo na P405 kada araw.

Ayon kay Lopez, pansamantalang trabaho ang alok ng DSWD habang naghihintay ang mga magsasaka na makarekober mula sa pagbaha.

Tiniyak naman ni Lopez na patuloy ang cash-for-work payouts ng DSWD sa mga susunod na araw sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Norhern Mindanao.

 

TAGS: baha, Cash for work, dswd, news, northern mindanao, Radyo Inquirer, baha, Cash for work, dswd, news, northern mindanao, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.