P4.56 bilyong confidential at intel funds, ihinirit ng Office of the President
Humihirit ang Office of the President (OP) ng P4.56 bilyong confidential at intelligence funds para sa taong 2024.
Mas mataas ito ng P120 milyon kumpara sa kasalukuyang budget.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, may dagdag na confidential funds para sa Department of Information and Communications Technology, Anti-Money Laundering Council at Presidential Security Group.
Nasa P300 milyong pondo ang inilaan sa DICT para sa cyber programs.
Dinagdagan ng P50 milyon ang PSG para sa intelligence activities tuwing may biyahe sa labas ng bansa si Pangulong Marcos.
Sinabi pa ni Pangandaman na kung titinangnan ang trend, bumababa ang pag-increase sa confidential at intelligence funds ng gobyerno kumpara noong mga nakarang taon.
Paliwanag pa ni Pangamdaman na kung titingnan ang share sa kabuuang budget, bumababa ang inilalaang pondo sa confidential at intelligence funds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.