Higit sa 78 patay sa buhawi at baha sa China

By Jay Dones June 24, 2016 - 04:25 AM

 

Mula sa Xinhua News

Hindi bababa sa 78 katao na ang iniulat na nasawi sa biglaang pagbabago ng panahon na sinundan ng mga buhawi at malakas na ulan at hangin sa Jiangsu Province sa China, Huwebes ng hapon.

Ayon sa Xinhua news agency, maraming mga kabahayan ang pinadapa ng malakas na buhawi at ulan sa Yancheng City at mga kalapit na lugar na sinundan ng matinding flashflood at pagbaha.

Marami ring mga pabrika ang bumagsak sanhi ng malakas na hangin.

Inanod naman ang maraming mga sasakyan sa mga lansangan na inabot ng biglaang pagtaas ng tubig.

Tinatayang nasa 200 mga residente rin ng lugar ang nasaktan sanhi ng matinding buhawi, at thunderstorm na tumama sa eastern China.

Nitong nakalipas na mga araw, sunud-sunod na pag-ulan ang naranasan sa ilang bahagi ng China.

Hinala ng mga eksperto, ang pagbabago ng panahon resulta ng El Niño phenomenon ang dahilan ng ‘extreme weather condition na nararanasan ngayong sa China.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.