Sit-in protest ng US Democrats para sa gun control, tinapos na

By Jay Dones June 24, 2016 - 04:15 AM

 

AP/ Inquirer.net

Makalipas ang mahigit 25-oras, tinapos na rin ng mga mambabatas na kasapi ng Democratic party ang kanilang sit-in protest sa loob ng US Capitol.

Naging layunin ng sit-in protest ng mga mambabatas na iprotesta ang hindi paglulunsad ng botohan sa dalawang kontrobersyal na gun control bill.

Una rito, ikinagalit ng mga Democrats ang hindi pag-boto ng mga Republicans sa naturang mga panukalang batas na naglalayon sanang palawakin ang pagsasagawa ng mga background check sa mga US citizens na nais na bumili ng baril.

Gayunman, kinokontra ito ng mga Republicans sa pagsasabing malalabag ang karapatan ng mga tao ng magkaroon ng armas.

Dahil dito, nagpasya ang ilang mambabatas na idaan sa protesta ang hindi pag-aksyon ng Republicans sa dalawang panukala sa pamamagitan ng sit-in protest.

Kani-kanina lamang, pormal nang tinapos ng mga nalalabing Democrats ang kanilang protesta.

Sa kabila nito, iginiit ng mga Democrat representatives na naiparating nila ang kanilang mensahe sa taumbayan na dapat nang aksyunan ang pagpapairal ng gun control sa kanilang bansa.

Matatandaang noong nakaraang linggo, 49 katao ang nasawi nang mamaril ang isang lalake sa loob ng isang gay nightclub sa Orlando Florida.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.