P20 kada kilo na bigas, mahirap pa sa ngayon ayon sa DA
Mahirap pang mabili sa ngayon sa mga palengke ang bigas sa halagang P20 kada kilo.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla na patuloy kasing tumataas ang presyo ng abono.
Bukod dito, sinabi ni Sombilla na tumataas din kasi ang produktong petrolyo.
Sunod sunod din aniya ang pagtama ng bagyo pati na ang El Nino o matinding tagtuyot na nakaapekto sa produksyon sa palay.
Pero ayon kay Sombilla, hindi imposible na maabot ang P20 kada kilo sa mga susunod na buwan.
Mabibili aniya sa P20 kada kilo ang bigas kung tataas ang produksyon ng palay at magtutulong-tulong ang bawat isa.
“As of now, parang hindi pa natin iyan maa-achieve. But you know, in the long run, kapag talagang gumanda ang ating productivity – and that is what DA is really aiming for ‘no, the government is aiming for. But posible iyan na bababa pero sa mga nangyayari ngayon – fertilizer cost, fuel cost tapos itong mga El Niño, back-to-back typhoons natin… hindi natin makikita iyan in the short run. But you know, over the long run, if we are able to… you know, increase our productivity, I think you know it’s achieve—we can achieve that. And of course, tulung-tulong talaga para pag-achieve niyan,” pahayag ni Sombilla.
Sa ngayon, mabibili ang bigas sa P25 kada kilo sa mga Kadiwa stores.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.