258 volcanic quakes, 57 ashing events at 1 tremor event, naitala sa Bulkang Mayon
Aabot sa 258 na volcanic earthquakes, 57 ashing events at isang tremor event ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nagkaroon ng panaka-nakang ashing phases ang bulkan na tumagal ng isa hanggang 43 na minute.
Naging mabagal ang pagdaloy ng lava na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, 3.4 kilometro sa Bonga Gully at 600 metro sa Bonga Gully.
Gumuho ang lava ng 4 na kilometro mula sa crater ng bulkan.
Ayon sa Phivolcs, nasa 2,325 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Katamtaman ang naging singaw ng plume at napadpad sa hilagang-silangan.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.