Bagyong Egay lumayas na ng PAR

By Jan Escosio July 27, 2023 - 01:28 PM

Nakaalis na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Egay (international name: Doksuri) kaninang alas-8 ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 11am weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa distansiyang 255 kilometro kanluran ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 185 kilometro kada oras.

Gayunpaman, masasakop pa rin ng epekto ng bagyo ang ilang bahagi ng Hilagang Luzon.

Nakataas ang Signal No. 2 sa Batanes, hilagang bahagi ng  Cagayan kasama ang Babuyan Islands at hilagang bahagi ng  Ilocos Norte.

Samantala, Signal No. 1 sa  Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, natitirang bahagi ng Ilocos Norte, natitirang bahagi ng Cagayan, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Abra, Benguet, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, hilagang bahagi ng Aurora, hilagang bahagi ng Nueva Ecija, at hilagang bahagi ng  Tarlac.

Nagbabala ang PAGASA ng malakas na buhos ng ulan sa  Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Batanes, at Babuyan Islands.

 

 

TAGS: egay, Pagasa, egay, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.