Egay pinataas antas ng tubig sa 8 Luzon dams

By Jan Escosio July 27, 2023 - 11:24 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Malaking tulong ang pag-ulan dulot ng bagyong Egay at habagat para tumaas ang antas ng tubig sa walong malalaking dam sa Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nabatid na ang water levels sa Ipo Dam, Ambuklao Dam, and Binga Dam ay naitala sa  101.2 meters, 751 meters, at 574.63 meters mula sa  99.5 meters, 746.43 meters, at 568.52 meters, noong Martes.

Bunga nito, naglabas na ang PAGASA ng babala ukol sa posibleng pagbaha dahil magpapakawala ng tubig ang tatlong nabanggit na dam.

“The water level of Ipo Dam as of 8 a.m. is 101.2 meters and continuously rising due to the expected rains caused by the current weather system. With this development, Ipo Dam will conduct spilling operation, with one spilling gate to open at 11 a.m., with an initial discharge of 61 cms (cubic meters per second),” ayon sa inilabas na abiso ng PAGASA.

Inabisuhan na ang mga lokal na pamahaalan sa gilid at malapit sa Angat River sa bayan ng Norzagaray sa Bulacan na maging alerto.

Ito ang mga bayan ng Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong, at Hagonoy pawang sa  Bulacan.

TAGS: dam, egay, Typhoon, water level, dam, egay, Typhoon, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.