Globe hinikayat ang unregistered SIM subscribers na samantalahin ang 5-day grace period
May limang araw pa ang subscribers na hindi umabot sa deadline kahapon para iparehistro ang kanilang SIM.
Ito ang inanunsiyo ng Globe kasunod ng pagtatapos kahapon ang SIM registration extension.
Sa ngayon, tanging incoming text messages na lamang ang serbisyo sa unregistered SIM at hindi na maaring makapag-reply at wala na ring incoming at outgoing voice calls, gayundin ang data services.
Maaapektuhan din ang mobile apps.
Kayat hinihikayat ng Globe ang kanilang subscribers na may unregistered SIM na magpa-rehistro na sa loob ng limang araw upang maiwasan ang permanenteng deactivation ng SIM.
Pagtitiyak ng Globe, mare-reactivate ang lahat ng nawalang serbisyo at upang hindi na bumili ng bagong SIM na kailangan munang iparehistro upang ma-activate.
Ang 5-day grace period sa unregistered SIM ay alinsunod sa implementing rules and regulations (IRR) ng SIM Registration Act, gayundin ang temporary at permanent deactivation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.