PBBM hinihintay resignasyon ng police scalawags; smugglers, hoarders binalaan
Maluwag na tatanggapin ni Pangulong Marcos Jr. ang resignasyon ng mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.
Sa ikalawang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na patuloy ang administrasyon sa pagpuksa sa mga sindikato ng ilegal na droga at ng mga ilegal na aktibidad ng mga ito.
Sabi ng Pangulo, may bagong mukha na ngayon ang kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Paliwanag niya nakasentro kasi ngayon ang anti-drug war campaign sa community-based treatment, rehabilitation, education at reintegration.
Matatandaang naging madugo ang kampanya kontra ilegal na droga noong panahon ni dating Pangulong Duterte.
Samantala, inanunsiyo ng Punong Ehekutibo na bilang na ang araw ng mga smuggler at hoarder sa bansa.
Tiniyak niya na hahabulin ng pamahalaan ang mga ito sa katuwiran na hindi tama ang kanilang ginagawa dahil napapahamak kasi aniya ang mga magsasaka at ang mga konsyumer.
Ang mga ito ang dahilan kayat nagkaka-isyu sa suplay at mataas ang presyo.
Una nang inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Justice (DOJ) at ang National Bureau of Investigation (NBI) na habulin at kasuhan ang mga smuggler at hoarder sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.