83 volcanic quakes, 151 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
Aabot sa 83 volcanic earthquakes, 151 na rockfall events at tatlong proclastic density current events ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa 1,581 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Naging mabagal ang pagdaloy ng lava mula sa crater ng bulkan na umabot sa 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, 2.5 kilometro sa Bonga Gully at 600 metro sa Basud Gully.
Umabot sa apat na kilometro ang pagguho ng lava mula sa crater.
Sabi ng Phivolcs, nasa 1,000 metro ang taas ng plume. Naging katamtaman ang pagsingaw nito at napadpad sa timog-kanluran at kanluran-timog-kanluran.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.