Recto sinabing dapat may public hearing sa pagkasa ng PPP projects

By Jan Escosio July 21, 2023 - 08:00 AM

Photo credit: Rep. Ralph Recto/Facebook

 

Dapat ay nalalaman ng publiko ang lahat ng detalye ng public-private partnership (PPP) projects sa pamamagitan ng pagsasagawa ng public hearings, ayon kay House Deputy Speaker Ralph Recto

“Kung magkano babayaran sa toll, pamasahe o paggamit ng mga imprastrakturang ito, dapat frontloaded, hindi sa back end at kung kailan tapos na ay saka lang ibubulaga sa taumbayan,” aniya.

Dagdag pa niya dapat din magkaroon ng mga konsultasyon at surveys para malaman kung magkano ang kaya at handang ibayad ng publiko sa paggamit sa mga naturang proyekto.

“Dapat may public consultations. Feasibility studies should include ability-to-pay data. And this must be highlighted in disclosures. Not reduced to a fine print, nor hidden,” sabi pa ng mambabatas.

Paliwanag kung masyadong mataas ang sisingilin para magamit ang mga proyekto, ito ay paglimita na rin sa mga maaring makinabang at kung masyado naman mababa ang singil, buwis ng taumbayan naman ang gagamitin para sa subsidiya.

Malinaw din aniya na bago pa lamang magamit ang mga proyekto dapat ay alam na ng publiko ang mga ikinukunsiderang bayad sa paggamit ng mga ito.

TAGS: news, PPP, Radyo Inquirer, ralph recto, news, PPP, Radyo Inquirer, ralph recto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.