LPA posibleng maging bagyo, Luzon maaapektuhan

By Jan Escosio July 20, 2023 - 06:09 PM

May posibilidad na ang binabantayang low-pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay maging bagyo sa susunod na 24 hanggang 48 oras.

Maaapektuhan nito ang ilang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw.

Huling namataan ang LPA sa distansiyang 720 kilometro ng Borongan, Eastern Samar kaninang alas-3 ng hapon.

Hindi pa rin matiyak ng PAGASA ng direksyon na tatahakin ng LPA.

Paliwanag ni  weather specialist Patrick del Mundo  na skapag may namuo na bagyo sa loob na ng LPA kadalasan ay tumatama ito sa kalupaan ng Hilaga o Gitnang Luzon.

May ilan din na nag-iiba ng direksyon patungo sa Japan.

Samantala, maaring maging maulan sa Eastern Visayas, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at  Masbate sa susunod na 24 oras dahil sa LPA.

 

TAGS: Central Luzon, eastern samar, LPA, northern luzon, Pagasa, PAR, Tropical Depression, Central Luzon, eastern samar, LPA, northern luzon, Pagasa, PAR, Tropical Depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.