Mt. Bulusan, muling nagbuga ng abo

By Dona Dominguez-Cargullo June 23, 2016 - 11:23 AM

Phivolcs File Photo
Phivolcs File Photo

Nagbuga ng makapal na abo ang Mt. Bulusan sa Sorsogon, Huwebes ng umaga.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, malakas at makapal ang usok ang ibinuga ng bulkan na may kasamang makapal na abo.

Sa inilabas na advisory ng Phivolcs, naganap ang pagbuga ng usok at abo sa pagitan ng alas 9:00 ng umaga hanggang alas 9:18 ng umaga.

“Bulusan Volcano exhibited vigorous steaming activity characterized by dirty white plumes that crept downslope towards the west-northwest direction,” ayon sa abiso.

Sinabi ni Solidum na normal ang pagbubuga ng usok at abo ng bulkan dahil patuloy ang pagkilo ng tubig sa loob nito.

Nananatiling nasa alert level 1 ang bulkang Bulusan.

Ibig sabihin, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

 

 

TAGS: Mt. Bulusan, Mt. Bulusan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.