Mayor Lani Cayetano nag-alok ng “joint transition team” kay Mayor Abby Binay

By Jan Escosio July 20, 2023 - 09:15 AM

TAGUIG LGU PHOTO

Kaya at magagawa ng pamahalaang-lungsod ng Taguig na pagbutihin ang kapakanan ng mga residente ng 10 barangay ng Makati City na maililipat base sa naging pinal na desisyon ng Korte Suprema.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano kung ano ang kasalukuyang pagbibigay serbisyo nila sa kanilang 28 barangay ay gayundin ang matatanggap ng 10 barangay na ililipat sa kanila mula sa Makati City. Aniya naiintindihan nila ang mga alahanin ni Mayor Abby Binay ngunit pagtitiyak ni Cayetano wala silang layon kundi mapagbuti din ang mga residente ng 10 barangay. “While we understand the sentiments of Mayor Binay on the transfer of administration and its implications on the lives of the residents of the 10 barangays, the issues that she raised in her statement are ultimately irrelevant and only tend to obstruct the achievement of an orderly transition. The nobility of the concession speech is severely dented by the uncharitable and unfounded remark that the City of Taguig is either incapable of promoting the welfare of the new Taguig residents or else is being untruthful as to its intentions,” aniya. Kasabay nito, inilatag ni Cayetano ang kanyang suhestiyon na bumuo ng “joint transition team” para bumalangkas ng mga gagawing hakbang para sa maayos na paglilipat ng administrasyon sa mga naturang barangay. Aniya kailangan mapagkasunduan na hindi maaapektuhan ang pagbibigay ng serbisyo sa mga apektadong residente. Paghihimok pa ni Cayetano na dapat ay gawing konkretong aksyon ang mga salita ng pagmamalasakit sa mamamayan. Kasabay nito, ikinalugod na rin ng pamahalaang-lungsod ng Taguig ang deklrasyon ni Binay na irerespeto ang pinal na desisyon ng Korte Suprema at umaasa si Cayetano na ito ang magiging daan para sa maayos na paglilipat ng administrasyon. Una nang nagpahayag ng kanyang pagkabahala si Binay kung maibibigay ng Taguig LGU ang tinatanggap sa kanila na mga serbisyo at benepisyo ng mga residente ng apektadong 10 barangay.

TAGS: binay, Cayetano, Makati, SC, taguig, binay, Cayetano, Makati, SC, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.